Ang Patotoo ng Pananampalataya
1.Ang patotoo ng pananampalataya ay nagsasabi nang may pananalig, "La ilaha illa Allah, Muhammadur rasoolu Allah." Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay: “Na walang sinuman ang may karapatang sambahin kundi ang Diyos lamang, at ang Diyos ay walang kasama o anak. At na si Muhammad ay ang huling sugo ng Diyos. Ang patotoong ito ng pananampalataya ay tinatawag na *Shahada*, isang simpleng pormula na dapat sabihin nang may pananalig upang makapagbalik-loob sa Islam. Ang patotoo ng pananampalataya ay ang pinakamahalagang haligi ng Islam.